![]() |
Sa kabilang banda, isang napakagandang ang sumisigaw at umiiyak. Ang pangalan ng napakagandang babae ay Pinky. Agad pinuntahan ni Yum si Pinky at nagkita sa puno kung saan namahinga si Yum. Nagulat si Pinky dahil sa anyo ni Yum. Sabi ni Yum “Wag kang matakot isa akong kaibigan na naounta sa lugar na ito.” “Ngunit bakit isa kang robot?”sabi ni Pinky. Bago iyon, nagpakilala sila sa isa’t isa. Ikinuwento ni Yum kay Pinky ang kanyang karanasan.Isa siyang scientist at manlalakbay na kung saan siya ay naligaw. At dahil sa kanyang kapaguran ay namahinga siya sa ilalim ng isang puno at pumatak sa kanyang noo ang isang mahiwagang bato at naging robot siya.
Hindi nagtagal ikinuwento ni Pinky ang kanyang karanasan. Isa siyang anak ng mayamang pamilya sa kanilang lugar. May katipan siya na mahal na mahal niya at mahal din siya ngunit nagpakasal sa iba. At dahil dito , nagtatakbi siya papalayo at dito siya napadpad.
Dumaan ang ilang araw at naging malapit na kaibigan sila sa isa’t isa. Habang tumatagal tnanggap ni Pinky ang kalagayan ni Yum at nagkaibigan slia sa isa’t isa. At dahil si Yum ay isang scientist, pinag-aralan niya ang kanyang kalagayan at ang tanging makapagpagaling sa kanya ay tanging wagas na pag-ibig lamang. Nagkataon naming mahal niya si Pinky.Pinakiusapan niya si Pinky na sila ay magpakasal. Pumayag iti ngunit sa isang kondisyon ay kailangan humanap si Yum ng isang singsing na gawa sa ginto na matatagpuan lang dito sa lugar. At dahil dito, nag-umpisa na siyang naghanap. Hanap dito, hanap doon. Sa kanyang paghahanap, umupo muna siya at namahinga. Sa kanyang pagpapahinga, nakita niya ang isang gintong bilog malapit sa kanyang puso. Ang gintong bilog na ito ay nakakonekta sa kanyang pagiging robot. Ibig sabihinna kapag tinanggal niya ito ay maaaring mautas anga kanyang buhay.
Dahil sa pagmamahal kay Pinky kahit siya ay isang robot, tinanggal niya ito sa kanyang katawan. Ibinigay niya ito kay Pinky at sinabi niya ito ang kanyang buhay. Sinabi niya na kinuha niya ito sa kanyang katawan. At dahil dito nawalan si Yum ng buhay. Dahil sa pagsisisi, ang kanyang mga mata ay unti-unting naglalabas ng luha. Pumatak ang luha ni Pinky sa katawan ni Yum. Unti-unting nagiging taong muli si Yum at niyakap nila ang isa’t isa.
Simula ng araw na iyon, bumalik sila sa lugar kung saan nakatira si Pinky. Alalang-alala ang kanyang pamilya ngunit ang sabi lang ni Pinky “Nahanap ko na po ang aking sarili at nakatagpo na po ako na makakasama ko habang buhay.”Tinanggap naman na pamilya ni Pinky si Yum at sila ay nagpakasal ang dalawa. Nagkasama sila ng masagana habang buhay.





