Thursday, January 31, 2013

Ang Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon(TALUMPATI)


Ang Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis, IV-Science
            “Ang paaralan ay siyang batayan ng lipunan, ang paaralan ang siyang aklat na katitikan ng hinaharap ng mga bayan”, ito ay ilan lamang sa mga kaisipan ni Jose Rizal mula sa kanyang akdang pampanitikan na Noli Me Tangere na talagang tumatak sa puso at isipan ng mga mag-aaral mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mga salitang tumutukoy sa isang institusyong humuhubog sa talino at kakayahan ng mga kabataan.
            Mga giliw kong tagapakinig, magandang araw po sa inyong lahat.
            Sa narinig ninyong pambungad na pahayag, isang patunay ito na makakamit ang tagumpay ng isang bayan kung may mga paaralan na huhubog sa pagkatao ng isang kabataan. Nakasalalay ang kinabukasan ng lipunan sa mga estudyanteng kakikitaan ng pag-asa at determinasyon at sa mga gurong handang magsakripisyo para maipamalas ang angking husay sa iba’t ibang aspeto sa mga mag-aaral na pinagtitibay sa loob at labas ng paaralan.
            Mga kaibigan, papaano kung may mga paaralang hindi kayang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral? Paano kung walang pampublikong eskwelahan magpapataas ng bilang ng mga nakapagtapos sa pag-aaral sa murang paraan na makatutulong pa sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa? Ating pakaisipin na hindi lamang sa pampribadong lugar matututo ang kabataang tulad ko.
            Mga kapamilya, ang Dizon High o ANNEX V na hindi pa kilalang-kilala dati dahil kulang ang institusyong ito sa tibay at tatag na katulad ng isang bato na hindi matibag-tibag. Nakakalungkot isipin na kung babalikan natin ang mga nakalipas na panahon ay nagtitiis ang mga mag-aaral sa labas o sa malilim na lagar dahil wala pa itong sapat na silid-aralan. Ngunit alm kong tinitiis nila ang anumang hirap makapagtapos lamang ng pag-aaral.
            Sa pagdaan ng labinlimang taon mula ng itatag ang Dizon High, nakasasabay na ito sa agos ng tubig, sa ihip ng hangin, sa mga pagbabago. Mga pagbabago na naging haligi upang lalong tumibay ang institusyong na minsan ay naging bahagi ng aking pagkatao.
            Mga kapatid, sa pagpasok ng bagong henerasyon unti-unting umuunlad ang gumaganda ang mga bagay na nililikha ng mga taong minsan ng hinubog ng mga propesor ng iba’t ibang uri ng paaralan. Masasalamin na natin ang pagiging matagumpay ng Dizon High sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral.sa matematika, agham palakasan, musika, sining, literatura at panitikan. Mga kaalamang na karapat-dapat ipagbunyi, ikarangal, ipagsigawan at ipagbunyi.
            “Ang karunungan ay para sa mga karapat-dapat para sa maaaring mag-ingat nito, kapag ang mga estudyante ay nagpakita ng katibayan sa pag-ibig sa karunungan kapag nagkaroon na ng kabataang may pananalig sa kanilang sarili, kabataang marunong mangalaga at magtanggol ng karalangan, magkakaroon ng karunugan, magkakaroon ng mga propesor na may paglingap – Jose Rizal ”,ito ay kaisipan ng isa sa mga sumasaludo sa kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan.   
            Ating ikarangal ang pagkakaroon ng mga propesor na handang-handang makipagsapalaran, makipagtagisan at magpamalas ng mga karunungannna kailangang isabuhay ng mga kabataan upang maisakatuparan ang kanilang hangarin sa isip, sa salita at sa gawa.
Muli, maraming salamat po sa inyong pakikinig.