Ang
Dizon High sa loob ng Labinlimang Taon
Ni Princess
Diane Carmela Fshyne T. Tiquis, IV-Science
“Ang paaralan ay siyang
batayan ng lipunan, ang paaralan ang siyang aklat na katitikan ng hinaharap ng
mga bayan”, ito ay ilan lamang sa mga kaisipan ni Jose Rizal mula sa kanyang
akdang pampanitikan na Noli Me Tangere na talagang tumatak sa puso at isipan ng
mga mag-aaral mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mga salitang tumutukoy sa
isang institusyong humuhubog sa talino at kakayahan ng mga kabataan.
Mga giliw kong tagapakinig,
magandang araw po sa inyong lahat.
Sa narinig ninyong pambungad na
pahayag, isang patunay ito na makakamit ang tagumpay ng isang bayan kung may
mga paaralan na huhubog sa pagkatao ng isang kabataan. Nakasalalay ang
kinabukasan ng lipunan sa mga estudyanteng kakikitaan ng pag-asa at
determinasyon at sa mga gurong handang magsakripisyo para maipamalas ang
angking husay sa iba’t ibang aspeto sa mga mag-aaral na pinagtitibay sa loob at
labas ng paaralan.
Mga kaibigan, papaano kung may mga
paaralang hindi kayang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral? Paano kung
walang pampublikong eskwelahan magpapataas ng bilang ng mga nakapagtapos sa
pag-aaral sa murang paraan na makatutulong pa sa pag-unlad ng ekonomiya ng
ating bansa? Ating pakaisipin na hindi lamang sa pampribadong lugar matututo
ang kabataang tulad ko.
Mga kapamilya, ang Dizon High o ANNEX
V na hindi pa kilalang-kilala dati dahil kulang ang institusyong ito sa tibay
at tatag na katulad ng isang bato na hindi matibag-tibag. Nakakalungkot isipin na
kung babalikan natin ang mga nakalipas na panahon ay nagtitiis ang mga
mag-aaral sa labas o sa malilim na lagar dahil wala pa itong sapat na
silid-aralan. Ngunit alm kong tinitiis nila ang anumang hirap makapagtapos
lamang ng pag-aaral.
Sa pagdaan ng labinlimang taon mula
ng itatag ang Dizon High, nakasasabay na ito sa agos ng tubig, sa ihip ng
hangin, sa mga pagbabago. Mga pagbabago na naging haligi upang lalong tumibay
ang institusyong na minsan ay naging bahagi ng aking pagkatao.
Mga kapatid, sa pagpasok ng bagong
henerasyon unti-unting umuunlad ang gumaganda ang mga bagay na nililikha ng mga
taong minsan ng hinubog ng mga propesor ng iba’t ibang uri ng paaralan. Masasalamin
na natin ang pagiging matagumpay ng Dizon High sa iba’t ibang larangan ng
pag-aaral.sa matematika, agham palakasan, musika, sining, literatura at
panitikan. Mga kaalamang na karapat-dapat ipagbunyi, ikarangal, ipagsigawan at ipagbunyi.
“Ang karunungan ay para sa mga
karapat-dapat para sa maaaring mag-ingat nito, kapag ang mga estudyante ay
nagpakita ng katibayan sa pag-ibig sa karunungan kapag nagkaroon na ng
kabataang may pananalig sa kanilang sarili, kabataang marunong mangalaga at
magtanggol ng karalangan, magkakaroon ng karunugan, magkakaroon ng mga propesor
na may paglingap – Jose Rizal ”,ito ay kaisipan ng isa sa mga sumasaludo sa
kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan.
Ating ikarangal ang pagkakaroon ng
mga propesor na handang-handang makipagsapalaran, makipagtagisan at magpamalas
ng mga karunungannna kailangang isabuhay ng mga kabataan upang maisakatuparan
ang kanilang hangarin sa isip, sa salita at sa gawa.
Muli,
maraming salamat po sa inyong pakikinig.
No comments:
Post a Comment