Wednesday, March 27, 2013

Ginoong Lacsam


Ginoong Lacsam
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis
Sa bawat pag-aaral ng mga kabataan
Ginugugol ang oras sa mga paaralan
 Isang mabuting guro sa lahat ng larangan
Laging umaalalay ‘yan si Ginoong Lacsam.

Kung pagsulat ng akda sa kanya’y mababatid
Puno ng talinhagang tumatagos sa dibdib
Ang mga pagsasanay may taglay na balakid
May mahihinuha ka sa natatagong liblib.

Leksyong tinatalakay siya ay dalubhasa
Sa lahat ng aralin ikaw ay mamamangha
Pagdating ng panahon ika’y magiging bihasa
Sa iba’t ibang prosa sa buhay umaakma.

Ang kanyang kagalingan sa ati’y gumagabay
Sa mabubuting landas tinatahak ng buhay
Humubog sa ugali at nagsilbing patnubay
Upang sa takdang araw tayo ay magtagumpay.

Ang iba’t ibang parangal sa laban ay nakamit
Sa lahat ng serbisyong kanyang inihahatid
Paano ang talento kung hindi nagagamit
Walang saysay ang buhay na kaloob ng langit.

No comments:

Post a Comment