Wednesday, March 27, 2013

Ina (short poem)


Ina
Ni Dennis Lacsam at IV-Science Batch 2012-2013

Huwaran kang babae na hinugot sa tadyang
Kasunod ng lalaking nilikha ng Maylalang
Nagsakripisyong lubos upang makapagsilang
Mag-aruga ng supling sayo’y tunay na hiyang.

Ang pag-aalaga mo ay puno ng pag-ibig
Tulad ng isang awit na hatid ay paghimig
Sa bawat hatol mo’y puso ang nananaig
Haplos ng iyong kamay tumatagos sa dibdib.

Ilaw ka ng tahanan kung ituring ng iba
Nagbibigay-liwanag hatid sa ami’y pag-asa
Mawalay sa ‘king piling hindi ko makakaya
Ibubuwis ang buhay para lang sa’yo ina.

No comments:

Post a Comment