Bakas
ni
Lovely Ellaine Tiquis
Madalas
nating marinig ang kakaibang paraiso na matatagpuan dito sa ating mundo. Malinis
na kapaligiran, malamig na simoy ng hangin, mga punong nagsasayawan at
matatamis na himig ng mga ibon. Subalit paano ang dating paraiso ay naging
isang mundo na puno ng bakas ng pagbabago, nanaisin mo pa ba na manirahan dito?
Sa isang
tahimik at masaganang nayon, masayang naninirahan ang mga tao. Maihahalintulad ito
sa isang paraiso. Isang lugar na punong-puno ng likas na yaman na talagang
kapaki-pakinabang hindi lang sa mga tao at pati na rin sa mga hayop na
nakapaligid dito.
May isang
pamantasan kung nag-aaral ang mga magkakaibigan na sina Alfred, Chris at Ben. Si
Alfred ay kilala sa pagiging matalino, si Chris bilang magaling na manunulat at
si Ben ay kilala sa pagiging magaling na atleta. Pinakapaborito nilang guro ay
si Ginoong Antonio Del Piero na dalubhasa sa paglikha ng mga kakaibang bagay na
talagang nagagamit sa aktwal na buhay.
Sa kabilang
banda, may magigiting na basurero. Isa sa mga ito ay si Mang Andres. Kilala siya
sa pangangalakal ng basura na ikinabubuhay ng kanyang pamilya. Kahit naghihikahos
sa buhay, mailalarawan naman na masaya at umaasa sa biyaya ng kapaligiran.
Sa pagdating
ng panahon,unti-unting nagbabago ang tao. Nawawala ang pagmamahal at
pangangalaga na dati nilang inilalaan sa kapaligiran. Pagtatapon ng basura kung
saan-saan, pagpuputol ng puno sa mga kagubatan at ilegal na pangingisda. Walang
humpay na pagsira at pagwasak na hindi iniisip ang maging kahihinatnan.
Dumating ang
hindi inaasahang delubyo na magpapatigil ng kanilang mundo. Isang malakas na
bagyo, malakas na ihip ng hanging habagat at unti-unting pagtaas ng lebel ng
tubig na aanod at magpapalubog sa kanilang mga tahanan at sa kanilang
kabuhayan.
Sa kabila
ng mga nangyayaring trahedya, mapapansin ang pagkakaroon ng damayan at
pag-iisip ng paraan na maapapagaan sa kanilang dinadanas na kasawian. Bilang imbentor,
nagplano si Ginoong Del Piero ng solusyon kung paano makakatulong sa kanyang
kababayan. Sa tulong ng tatlong magkakaibian, nakalikha sila ng sasakyang
pandagat na sasagip sa mga taong nangangailangan.
Dahil sa
nangyaring trahedya, tumatak sa kanilang isipan na ang simpleng kapabayaan ay
magdudulot ng matinding kapahamakan. Bilang palatandaan, magmimistulang bakas ng kalungkutan sa mundo
na magdudulot sa mga pagbabago na ipapamana sa mga susunod na henerasyon.
No comments:
Post a Comment