Saturday, November 9, 2013

Tigib-dusa (tula)


Tigib-dusa
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis

Unti-unting sumisibol liwanag ng takipsilim
Lumalakas,sumisidhi ang damdamin na malalim
Dahan-dahang ilalantad nakatagong mga lihim
Na simbolo ng galit at kasamaan tuwing lagim.

Ang halakhak ng manika’y unti-unting maririnig
Binubulong,sinasambit lumalabas na sa bibig
Sa mabagal na pagtugon balahibo mo’y titindig
Siguradong dadalhin ka agad-agad sa ‘yong libing.

Sa musika ng orasan nagbibigay ng karimlan
Manghihina,matatalo ang sinumang kakalaban
Ang maitim na mahikang sagisag ay kamatayn
Ang mapanglaw na parusa ay wasak na kapalaran.  

No comments:

Post a Comment