DAYUHAN: Hinamak mo ang aking bayan
Ni Lovely
Ellaine T. Tiquis
Pilipinas
aking sinilangan
Ika’y
napabayaan
Sa kasakiman
ng mga dayuhan
Nais
kang pakinabangan.
May busal
ang bibig
Takot
sa puso’y pumipintig
Balahibo’y
tumitindig
Sa mga
salitang tagos sa dibdib.
Mga Pilipinong
dakila
Putulin
na ang tanikala
Dala
man nila’y banta
Hindi
hadlang upang maging malaya.
Kabayanihan
ang naging dahilan
Kasarinla’y
muling naranasan
Sa pagkakaisa
ng mamamayan
Pagtatanggol
kay Inang Bayan.
No comments:
Post a Comment