Kalansing
Ni Princess
Diane Carmela Fshyne T. Tiquis
Maraming
bagay sa mundo ang ninanais ng tao
Na hinihiling
sa Diyos na sana’y magkatotoo
Kung
sa bawat pangyayaring nagpapasaya ng puso
Kahit
sa simpleng pagtulong na dapat nating matanto.
Madalas
kong napapansin batang sawing-kapalaran
Lubha
akong nahahabag sa kaniyang kalagayan
Lagi
siyang nakaabang sa pasilyo ng simbahan
Nakakalungkot
isipin nakakaawang pagmasdan.
Akin
siyang nilapitan kahit ako’y nalulumbay
Kinilala ko siyang lubos ang kanyang naging
buhay
Doon
ko naunawaan sa barya siya nabubuhay
Maswerte
ang mga araw kung may taong nagbibigay.
No comments:
Post a Comment