Estreliya
Ni Princess
Diane Carmela Fshyne T. Tiquis
Sa pagtulog
ko t’wing gabi’y nsasisilayan ‘yong mata
Na katulad
ng bituing punong-puno ng pagsinta
Ang sinisigaw
ng puso’y ikaw lamang walang iba
Kahit
lang sa panaginip na nawawala ng kusa.
Hindi
ko makalimutan ang sa akin ay paghimig
Na nagsisilbing
patunay sa ‘yong wagas na pag-ibig
Naaalaala
ko pa mga lihim mong pagtitig
Sa mga
simple kong ngiti nagpapakinang ng bibig.
May mga
pagkakataon na naglalaho ang kulay
Paggising
ko sa umaga’y lubha akong nalulumbay
Dahil
hindi ko napakinggan ang malalamig mong ingay
Matatamis
mong salitang sa aki’y nagbibigay buhay.
No comments:
Post a Comment