Saturday, January 31, 2015

Milyang Paghimig





“Milyang Paghimig”

Malayang kawalan puno ng pag-aalinlangan
Sa gitna ng bulaos damdaming makapangyarihan
Pluma ng bahag-hari distansya ang pagitan
Pag-agos ng tubig sanlang kalawakan.

Umaawit ang amihan nag-iisang kabundukan
Milya ang layo sa minamahal na tunay
Liwanag ng estreliya’t suntok sa buwan
Sa pag-indak ng araw lira sa aking buhay.

Iindayog ang hangganan sasabayan ng paghimig
Sa tono ng kulay walang katapusang pagtitig
Liham ng lona ang laging bukambibig
Malayo man, ikaw lang, sinisinta’t iniibig.

Sa paghampas ng alon sa pinong buhangin
Guryon at sinulid sumasabay sa hangin
Higpit ng paghawak puso’y inaangkin
Ulap ang pagitan muling makakapiling.









PEN NAME: "Diwara"
January 27, 2015
Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis
 1st Place Bagong Sinag Inter-Org Competition


No comments:

Post a Comment