Saturday, November 9, 2013

Creator, Author and Reader (poem)


Creator, Author and Reader
by Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis

Life is like a prose
It begins with a phrase
Ideas in a sentence
With meaning and a sense.

God is the creator
Blessings and gifts in favor
Different shades of color
Faith, trust and honor.

You are the author
That creates numerous chapter
In any kind of weather
Everyone can remember.

People are the readers
They serves as messengers
Inspires many listeners
To create more followers.

A peep in prologue
Exchange of dialogues
Dramatic reading or monologue
Goosebumps in epilogue.

Dayuhan: Hinamak mo ang aking bayan (tula)


DAYUHAN: Hinamak mo ang aking bayan
Ni Lovely Ellaine T. Tiquis

Pilipinas aking sinilangan
Ika’y napabayaan
Sa kasakiman ng mga dayuhan
Nais kang pakinabangan.

May busal ang bibig
Takot sa puso’y pumipintig
Balahibo’y tumitindig
Sa mga salitang tagos sa dibdib.

Mga Pilipinong dakila
Putulin na ang tanikala
Dala man nila’y banta
Hindi hadlang upang maging malaya.

Kabayanihan ang naging dahilan
Kasarinla’y muling naranasan
Sa pagkakaisa ng mamamayan
Pagtatanggol kay Inang Bayan.

Estreliya (tula)


Estreliya
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis

Sa pagtulog ko t’wing gabi’y nsasisilayan ‘yong mata
Na katulad ng bituing punong-puno ng pagsinta
Ang sinisigaw ng puso’y ikaw lamang walang iba
Kahit lang sa panaginip na nawawala ng kusa.

Hindi ko makalimutan ang sa akin ay paghimig
Na nagsisilbing patunay sa ‘yong wagas na pag-ibig
Naaalaala ko pa mga lihim mong pagtitig
Sa mga simple kong ngiti nagpapakinang ng bibig.

May mga pagkakataon na naglalaho ang kulay
Paggising ko sa umaga’y lubha akong nalulumbay
Dahil hindi ko napakinggan ang malalamig mong ingay
Matatamis mong salitang sa aki’y nagbibigay buhay.

Kalansing (tula)


Kalansing
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis

Maraming bagay sa mundo ang ninanais ng tao
Na hinihiling sa Diyos na sana’y magkatotoo
Kung sa bawat pangyayaring nagpapasaya ng puso
Kahit sa simpleng pagtulong na dapat nating matanto.

Madalas kong napapansin batang sawing-kapalaran
Lubha akong nahahabag sa kaniyang kalagayan
Lagi siyang nakaabang sa pasilyo ng simbahan
Nakakalungkot isipin nakakaawang pagmasdan.

Akin siyang nilapitan kahit ako’y nalulumbay
 Kinilala ko siyang lubos ang kanyang naging buhay
Doon ko naunawaan sa barya siya nabubuhay
Maswerte ang mga araw kung may taong nagbibigay.


Tigib-dusa (tula)


Tigib-dusa
Ni Princess Diane Carmela Fshyne T. Tiquis

Unti-unting sumisibol liwanag ng takipsilim
Lumalakas,sumisidhi ang damdamin na malalim
Dahan-dahang ilalantad nakatagong mga lihim
Na simbolo ng galit at kasamaan tuwing lagim.

Ang halakhak ng manika’y unti-unting maririnig
Binubulong,sinasambit lumalabas na sa bibig
Sa mabagal na pagtugon balahibo mo’y titindig
Siguradong dadalhin ka agad-agad sa ‘yong libing.

Sa musika ng orasan nagbibigay ng karimlan
Manghihina,matatalo ang sinumang kakalaban
Ang maitim na mahikang sagisag ay kamatayn
Ang mapanglaw na parusa ay wasak na kapalaran.